Mula sa pagsirit ng mahigit 8,000 hanggang umabot pa ng 10,000 ay bahagyang bumaba ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa 6,128 nitong Miyerkoles Santo, Marso 31.

Dahil dito, umabot na sa kabuuang 747,288 ang mga kaso ng COVID sa buong Pilipinas.

Ayon pa sa COVID-19 Case Bulletin No. 382 ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles, nakapagtala ng 491 bagong gumaling kaya umakyat sa 603,746 ang kabuuang nakarekober sa coronavirus infection.

May 106 katao naman ang nadagdag sa mga nasawi kaya umabot na sa 13,297 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw dahil sa COVID-19.

Samantala, nasa 130,245 na ng mga aktibong kaso ang naitatala ng DOH.

“The numbers are relatively lower today due to a number of laboratory line lists uploaded via [COVID-19 Data Repository System] that were not pushed to COVIDKaya,” ayon sa DOH case bulletin.

Iniimbestigahan na umano nila ang ito.

Hindi na makakaalis si freestyler Alvin Lobrequito para sa Asian Wrestling Championships sa Almaty, Kazakhstan sa April 12-17 dahil sa kawalang Detailed Service (DS) permit ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nanganganib na rin ang pagpunta niya kasama sina freestyler Jiah Pingot at Greco-Roman practitioners Jason Baucas at Noel Morada sa World Olympic Qualifier sa May 6-9 sa Sofia, Bulgaria dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

Pero umaasa pa si Wrestling Association of the Philippines (WAP) secretary general Marcus Valda na makakapagsimula ng training sa lalong madaling panahon ang apat na mambubuno dahil kundi’y wala ng paraan para mag-qualify pa sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong din ng pandemya sa darating na July 23-August 8.

Sapol noong 1936 Berlin Olympics, may 15 Pinoy wrestler na ang nakalahok sa quadrennial sportsfest. Ang pinakahuli ay noon pang 1988 Seoul Games sa katauhan nina Dean Carlos Manibog at Florentino Tirante. (Ramil Cruz)

le="margin-bottom:20px;">

Nagbabala si Iloilo Rep. Janette Garin sa plano ng gobyerno na gumamit ng rapid antigen test para sa COVID-19 sa mga lugar na sakop ng enhanced community quarantine (ECQ) o NCR Plus bubble.

Ayon sa dating kalihim ng Department of Health (DOH), kahit na magnegatibo ang isang tao sa antigen test kailangan pa rin itong isailalim sa RT-PCR test dahil umaabot sa 40% ang false negative nito.

“Ang rapid antigen testing ay ginagamit para malaman ng mga doctor kung ang pasyente nilang may sintomas ng COVID ay positive o negative sa SARS-CoV2. Essentially for symptomatic ito,” ani Garin.

“Nauuso ngayon ang antigen testing dahil mabilis pero huwag tayo makampante. RT-PCR test pa rin ang gold standard sa COVID-19 testing,” dagdag nito.

Iginiit din ni Garin ang kahalagahan na mailagay sa mga tamang lugar ang mga kinakailangang gamot katulad ng COVID-19 investigational drug na Remdesivir at Tocilizumab.

“Hanggang ngayon hirap pa rin maghanap ng gamot ang mga tao. Kailangan pa nila gumawa ng sariling paraan to source medicines na kung prepositioned na eh hindi sana naging problema,” wika pa nito.

Nagbigay din si Garin ng babala sa paggamit ng Ivermectin sa panggagamot ng COVID-19 patient dahil kulang pa umano ang pag-aaral na ginawa sa gamot na ito kung gagamitin sa tao.

Ang Ivermectin ay ginagamit sa hayop at nakarehistro bilang veterinary medicine sa bansa.

“Hindi porke may narinig tayo o nabasa ay paniniwalaan na natin. Huwag naman natin sayangin ang efforts ng ating mga scientist,” babala ni Garin.

Ipinaalala rin ni Garin sa publiko na magpahinga at matulog upang mapalakas ang katawan.

“Pinakamabisa pa ring panlaban sa COVID-19 at pampalakas ng katawan ang tulog at pagsunod sa minimum health standards,” aniya pa. (Billy Begas)

Comments