Posts
AMIANAN RADIO FM 93.1 DRAMA SPECIAL MassComm 2
- Get link
- X
- Other Apps
Mula sa pagsirit ng mahigit 8,000 hanggang umabot pa ng 10,000 ay bahagyang bumaba ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa 6,128 nitong Miyerkoles Santo, Marso 31. Dahil dito, umabot na sa kabuuang 747,288 ang mga kaso ng COVID sa buong Pilipinas. Ayon pa sa COVID-19 Case Bulletin No. 382 ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles, nakapagtala ng 491 bagong gumaling kaya umakyat sa 603,746 ang kabuuang nakarekober sa coronavirus infection. May 106 katao naman ang nadagdag sa mga nasawi kaya umabot na sa 13,297 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw dahil sa COVID-19. Samantala, nasa 130,245 na ng mga aktibong kaso ang naitatala ng DOH. “The numbers are relatively lower today due to a number of laboratory line lists uploaded via [COVID-19 Data Repository System] that were not pushed to COVIDKaya,” ayon sa DOH case bulletin. Iniimbestigahan na umano nila ang ito. Hindi na makakaalis si freestyler Alvin Lobrequito para sa Asian Wrestling Champions